
Nabago na rin ang paraan ng komunikasyon sa ngayon, dati kailangan pa nilang magsulat sa papel upang maiparating sa kausap mo kung anong nais mong sabihin. Dati kailangan mong pumunta sa pinag-usapan niyong lokasyon upang makapag-usap nang personal. Ngayon mas pinadali na ang paraan ng komunikasyon o pakikipag-usap dahil sa naimbentong selpon. Pwede na rin mag-usap ang dalawa o higit pang tao sa pamamagitan ng paggamit ng selpon. Karamihan sa mga tao ngayon ay nahuhumaling sa selpon dahil ito ay ginagawang libangan.
